^

PM Sports

Clarkson kumamada sa panalo ng Utah

Pang-masa
Clarkson kumamada sa panalo ng Utah
Jordan Clarkson

HOUSTON — Kumamada si Fil-American guard Jordan Clarkson ng 22 points at nagdagdag ng 21 markers si Joe Ingles para banderahan ang NBA-leading Utah Jazz sa 112-89 pagpapabagsak sa Rockets.

Ito ang ikaapat na panalo ng Jazz (44-15) sa huli nilang limang laro at ang kanilang 23-point margin ang most-lopsided victory nila sa Rockets (15-44) matapos ang 118-91 pananambak noong Disyembre 6, 2018.

Sina Clarkson at Ingles ay parehong kandidato para sa NBA Sixth Man of the Year Award at sumasalo sa naiwang trabaho ni injured star guard Donovan Mitchell (right ankle sprain).

Nag-ambag si Rudy Gobert ng 19 points, 18 rebounds at 2 blocks para sa Utah na kinuha ang 34-27 abante sa first quarter para iwanan ang Houston sa 91-63 papasok sa fourth quarter.

Sa Philadelphia, tumipa si Chris Paul ng 28 points kasunod ang 19 ni Devin Booker at 18 markers ni Mikal Bridges para tulungan ang Phoenix Suns (42-16) na maitakas ang 116-113 panalo sa 76ers (39-19).

Sa Tampa, Florida, kumolekta si Pascal Siakam ng 27 points kasunod ang 25 markers ni OG Anunoby sa 114-103 paglapa ng Toronto Raptors (25-34) sa Brooklyn Nets (39-20).

Sa Los Angeles, umiskor si Luke Kennard ng season-high 28 points para pamunuan ang Clippers (42-19) sa 117-105 panalo sa Memphis Grizzlies (29-28).

Sa Indianapolis, humataw si Malcolm Brogdon ng 29 points at may 28 markers si Caris LeVert para akayin ang Indiana Pacers (27-31) sa 122-116 paggiba sa Oklahoma City Thunder (20-39).

Sa San Antonio, nagtala si Bam Adebayo ng 23 points habang may 18 markers at 11 assists si Jimmy Butler sa 107-87 pagsunog ng Miami Heat (31-28) sa Spurs (28-29).

 

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with