^

PM Sports

Talisay malinis pa rin

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malinis pa rin ang kartada ng MJAS Zenith Talisay Aquastars matapos kaldagin ang Tubigon Bohol Mariners, 97-65 sa pagsisimula ng ikalawang round ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup kahapon sa Alcantara Civic Center.

Matapos ang dikit na first half, kumawala ang Aquastars sa ikatlong kanto sa pamamagitan ng 28-6 birada upang mapalawig sa 6-0 ang baraha matapos ang perkpektong first round ng umaatikabong Visayas leg.

Nagbuslo ng apat na tres tungo sa 14 puntos ang dating PBA player na si Val  Acuña habang may tig-13 markers sina Patrick Cabahug at Jaymar Gimpayan para sa Talisay na solo pa rin sa tuktok ng VisMin Super Cup.

Nag-ambag din ng 11 puntos at dalawang tapal si Jhaymo Eguilos para sa Aquastars na nilunod din ang Mariners, 104-66 sa kauna-unahang laro ng VisMin Super Cup noong Abril 9.

Tumikada ng 16, 14 at 13 puntos sina Jonathan Ibarra, Joseph Marquez at Narciso Llagas, ayon sa pagkakasunod, subalit kinapos pa rin sa endgame ang Mariners na humawak pa ng 41-38 abante sa halftime.

Bunsod nito ay wala pa ring panalo sa anim na laro ang Tubigon Bohol matapos ding mabokya sa unang round.

vuukle comment

CHOOKS-TO-GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with