^

PM Sports

Bakuna ang uunahin ng PBA

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagama’t nananatiling option ang muling pagpasok sa bubble ay handang maghintay ang PBA bago buksan ang Season 46 sa gitna ng pandemya.

Ayon kina Commissioner Willie Marcial at Vice Chairman Bobby Rosales, napagkasunduan ng PBA Board sa ginanap na meeting na pababakuha sa buong ‘PBA family’ ang uunahin ng liga sa ngayon upang mabuksan ang 2021 Season.

“Ang direksyon ng PBA as of now ay vaccine,” ani Marcial na makikipagpulong din sa Inter-Agency Task Force sa susunod na linggo.

“If we want to resume or open the season at the soonest possible time, the vaccination of the PBA family will be the first order of the day,” dagdag ni Rosales, na governor ng Terrafirma.

Sa ngayon, wala pang kasiguraduhan kung kailan ang dating ng bulto ng bakuna sa bansa subalit para sa PBA ay ito ang magpapadali sa pagdedesisyon nila kung paano idaraos ang 2021 Season.

Mayroon nang order na lagpas 2,000 bakuna ang PBA sa Philippine Red Cross habang may pangako ring 1,500 na doses si PLDT at Smart chairman Manny V. Pangilinan.

Ayon sa PBA, ang bakuna ang magiging susi sa orihinal na planong idaos sa Metro Manila o sa Antipolo, Rizal ang 2021 Season sa ilalim ng closed-circuit set-up o home-gym-home routine para sa lahat ng teams.

Kung sakaling mapilitan namang mag-bubble ulit ang PBA gaya ng 2020 Season sa Clark, Pampanga ay inamin ni Marcial na nagboluntaryo na ang Ilocos Norte sa pangunguna ni Gobernador Matthew Manotoc upang i-host ang liga.

Samantala, simula sa susunod na buwan ay ipapatupad ng PBA ang 20% na salary pay cut sa mga players, coaches, managers at PBA personnel bunsod pa rin ng epekto ng pandemya habang hindi pa nagbubukas ang season.

Tanging ang mga uti-lity staff katulad ng ball boys ang hindi kasali sa pansamantalang bawas suweldo na babalik din agad sa normal kapag nagsimula na ang scrimmage para sa Season 46, na inaasahan pa rin ng PBA na mangyari sa katapusan ng Mayo o sa Hunyo.

“Sguro it’s about time na kami naman magbigay ng kontribusyon sa mga team owners na sinuportahan kami for 16 months. Inalalayan kami at walang bawas suweldo,” ani Marcial na nakipag-usap na rin sa players at coaches.

Inanunsyo rin ng PBA ang mga dagdag na koponan sa PBA 3x3 sa pa-ngunguna ng Zamboanga Valientes, Master Sardines, Big Boss Cement, Geanaux Systems Corporation, Pioneer Epoxy at Phenom – BRT Sumisip na papalit sa Blackwater.

Sinamahan ng Blackwater ang Alaska sa mga ‘di kasaling PBA franchises sa 3x3 habang palaban ang iba pang original clubs na TNT, Meralco, NLEX, Ginebra, San Miguel, Magnolia, Phoenix, Northport, Rain or Shine at Terrafirma.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with