^

PM Sports

Talisay Aquastars kinumpleto ang 1st rnd. sweep

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinaon ng MJAS Zenith Talisay Aquastars ang Tabogon Voyagers, 85-65 upang makumpleto ang sweep sa first round ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg kahapon sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Nagbuhos ng 13 puntos, apat na rebounds at tatlong assists sa 18 minutong aksyon lamang si Patrick Cabahug upang trangkuhan ang Aquastars na papasok sa second round bitbit ang malinis na 5-0 baraha.

Nag-ambag din ng 13 markers si Ejie Boy Mojica habang may siyam na puntos at siyam na rebounds si Jaymar Gimpayan para sa wala pang talo na Talisay.

Kagagaling lang sa dikit na 84-75 panalo kontra sa Lapu-Lapu noong nakaraang linggo, kumaripas agad ang Aquastars sa 23-13 bentahe at ‘di na lumingon pa bago itayo ang 28 na puntos na kalamangan tungo sa tagumpay.

Nalustay naman ang 18 at 16 puntos nina Grayford Rodriguez at Arvie Bringas, ayon sa pagkakasunod, para sa Voyagers na tinapos ang unang round sa 2-3 kartada.

 

vuukle comment

VISMIN SUPER CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with