^
Diaz babawi na lang sa tokyo olympics
Hidilyn Diaz

Diaz babawi na lang sa tokyo olympics

Russell Cadayona (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi man nakasikwat ng medalya sa Asian Weightlifting Championships kamakalawa ng gabi ay nangako naman si national lady weightlifter Hidilyn Diaz ng podium finish sa 2021 Olympic Games.

“Kahit natalo ako, nandiyan pa rin kayo na sinusuportahan ako at naniniwala na kaya kong manalo sa Olympics, na kaya nating mga Pilipino na manalo sa Olympics,” ani Diaz.

Tumapos ang 30-anyos na tubong Zamboanga City sa ikaapat na puwesto sa binuhat na 94 kilogram sa snatch at 118kg sa clean and jerk para sa kabuuang 212kg sa women’s 55-kilogram category ng Asian tournament sa Tashkent, Uzbekistan.

Inangkin ni Liao Qiuyun ng China ang gold medal sa itinalang 222kg sa itaas ng kababayang si Li Yajun (221kg) at Muattar Nabieva (213kg) ng Uzbekistan para sa silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.

“Ang dami ko pang kailangang gawin,” sabi ni Diaz. “Kailangan ko pang bugbugin ang sarili ko sa training. I think iyon ‘yung maganda sa larong ito-- natalo ako, pero ang dami kong natutunan.”

Si Diaz, silver medalist sa women’s 53kg noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil, ang pang pitong Pinoy na sasabak sa 2021 Tokyo Games sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Ang iba pa ay sina gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Ito ang ikaapat na sunod na Olympic stint ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist na si Diaz matapos noong 2008 (Beijing), 2012 (London) at 2016 (Rio de Janeiro, Brazil).

“Let’s move on to the ultimate challenge. The Tokyo Olympics. Her mission was not to win, but to qualify,” wika ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with