^
Clippers nirapido ang Wolves

Clippers nirapido ang Wolves

(Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES — Pinamunuan ni Paul George ang limang starters na tumipa ng double figures para banderahan ang Clippers sa 124-105 pagrapido sa Minnesota Timberwolves.

Umiskor si George ng 23 points para sa pang-walong panalo ng Clippers (40-19) sa kanilang huling siyam na laro.

Nagtala si Kawhi Leonard ng 15 points, 11 rebounds at 8 assists sa kanyang pagbabalik matapos mawala ng 4-laro dahil sa sumasakit na kanang paa.

Tumipa si Anthony Edwards ng 23 points sa panig ng Timberwolves (15-43) na nalasap ang ikaanim na sunod na kabiguan sa kanilang mga road games.

Kumawala ang Clippers sa second quarter kung saan humataw sila ng 43 points kasama ang 10 triples patungo sa 72-53 pagbaon sa Timberwolves.

Sa Miami, isinalpak ni Bam Adebayo ang kanyang 13-foot jumper sa pagtunog ng final buzzer para akayin ang Heat (29-28) sa 109-107 paglusot sa Brooklyn Nets (38-19).

Sa New York, kumolekta si Julius Randle ng 33 points at 10 assists para banderahan ang Knicks (31-27) sa 122-112 overtime win kontra sa New Orleans Pelicans (25-32).

Sa Atlanta, kumamada si Trae Young ng 34 points at humakot si Clint Capela ng 25 points at 24 rebounds para sa 129-117 pagdagit ng Hawks (31-26) sa Indiana Pacers (26-30).

PAUL GEORGE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with