^

PBA bubble sa labas ng NCR plus?

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala pang kasiguraduhan ang lahat subalit nananatiling bukas ang PBA sa iba’t ibang posilibidad upang matuloy lang ang nakabinbin na Season 46 sa gitna ng hamon ng COVID-19 pandemic sa bansa partikular na sa National Capital Region (NCR) Plus.

Kasalukuyan pang tinitimbang ng liga ang mga puwede nilang hakbang sa  krusyal na board meeting kahapon habang isinusulat ang balitang ito subalit may mga lumutang na agad na bagong venues kung mapipilitan itong bumalik sa bubble set-up.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial ay may lumapit na sa kanyang bagong Local Government Unit (LGU) na handang maging tahanan ng PBA bukod pa sa dating venue na Clark, Pampanga.

Sa labas ng Metro Manila ang probinsyang hindi muna pinangalanan na posibleng option nila lalo’t hindi puwede ngayon ang Clark dahil sa gaganaping FIBA Asia Cup Qualifiers doon sa Hunyo.

Mula sa dating plano na Abril ay posibleng buksan ng PBA, kung magba-bubble man uli, ang 2021 Season sa Mayo o Hunyo na makakabangga ang FIBA hosting ng bansa sa Clark sa Hunyo 16-20 tampok ang tatlong grupo kasama na ang Gilas Pilipinas.

Sa Clark bubble nanatili ang PBA para sa makasaysayang 2020 Season nito na tumakbo ng lagpas dalawang buwan.

Ayon sa mga ulat, may offer din sa Dubai na maging venue ng PBA bubble.

Isa ang Dubai na regular out-of-country venue ng PBA,  sa mga naging options noong nakaraang taon kasama ang Laguna, Subic, Batangas, Baguio at Palawan bago nauwi sa Pampanga.

Naunang plano sana ng PBA ang lumayo na sa bubble setting at lumipat sa mas maluwag na closed-circuit set-up kung saan susunod sa home-gym-home na rroutine ang lahat ng PBA teams.

Orhinal na venue nito ang Metro Manila, partikular sa Quezon City o Pasay City, bago malipat sa Antipolo, Rizal na noon ay nasa pinakamaluwag pang Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Sa ilalim ng MGCQ areas lamang puwede magdaos ng mga laro ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines subalit ngayon ay nasa mahigpit na Modified ECQ na ang Rizal kasama ang Metro Manila, Laguna, Cavite at Bulacan hanggang katapusan ng buwan.

Ayon kay Marcial, nanatiling option ang Rizal kung gaganda ang sitwasyon dito at babalik sa MGCQ pagkatapos ng MECQ.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with