^

MJAS Zenith-Talisay tangka ang ika-5 sunod na panalo

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pagtitibayin ng wala pang galos na MJAS Zenith-Talisay ang kapit nito sa liderato kontra sa challenger na Tabogon sa pagpapatuloy ng umaatikabong Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ngayon sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Sasagupain ng perpektong Aquastars (4-0) ang palabang Voyagers sa alas-3 ng hapon para sa tsansang masungkit ang ikalimang sunod na tagumpay sa Visayas Leg.

Kasunod naman ito ang eksplosibong duwelo ng KCS-Mandaue (2-1) at ARQ Builders-Lapu-Lapu (2-1) sa alas-7 ng gabi para sa solo segunda puwesto sa likod ng Talisay papalapit sa pagtatapos ng first round.

Sasandal ang Talisay sa mga beteranong sina Paolo Hubalde, Jhaymo Eguilos at Patrick Cabahug na bumandera sa kanilang dikit na 84-75 panalo kontra sa Lapu-Lapu na nakipagsabayan hanggang dulo kahit pa kulang-kulang ang line-up bunsod ng suspensyon

Ang siyam na puntos na tagumpay na iyon ang pinakamababang panalo ng Aquastars ngayons first round matapos tambakan ang Tubigon Bohol (104-66), Mandaue (77-57 at Dumaguete (92-72).

Samantala, pilay pa ring mamartsa kontra sa Mandaue ang Lapu-Lapu dahil suspendido pa rin ang mga pambato nitong sina Reed Juntilla, Jojo Tangkay, Dawn Ochea, Monbert Arong, Ferdinand Lusdoc at Rendelle Senining bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersyal na laro kontra sa nasibak ng Siquijor.

 

CHOOKS-TO-GO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with