^

Maliit na grupo pero mabagsik

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

Fighting Seven.

‘Yan ang sure ball nang magre-represent ng Philippines at susubok mahugot ang matagal nang minimithi ng bansa na mapanalunan ang unang gintong medalya sa Olympics.

Pang-pitong qualified bet si Hidilyn Diaz pagkatapos i-formalize ang kanyang Tokyo Games entry sa Asian championship sa Tashkent, Uzbekistan noong nakaraang araw.

First Six sina gymnast Caloy Yulo, pole-vaulter EJ Obiena at boxers Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Actually, puwede na itong tawaging Lucky Nine dahil halos sigurado na rin ang karagdagan sa Phl roster nina golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan.

At puwede pang lumaki ang bilang dahil sasabak pa sa qualifiers ang ibang Phl bets kasama ang mga karatekas, taekwondo jins at ang 3x3 basketball team na binubuo nina CJ Perez, Moala Tautaa, Joshua Munzon at Alvin Pasaol.

Kung hindi na madagdagan ang bilang, maaaring ito ang pinakamaliit na Phl delegation sa Olympics – maliit na grupo pero mabagsik.

Medal contenders ang bawat isa sa Fighting Seven. At kung madagdag nga sa bilang sina Saso at Bianca, karagdagan silang medal contenders.

“Ilan sa kanila, gold medal contenders!” Iyan ang bulong ng sarili kong haka.

 

OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with