^
Diaz nagpakita lang sa laban pasok na sa Tokyo Olympics
Hidilyn Diaz

Diaz nagpakita lang sa laban pasok na sa Tokyo Olympics

Russell Cadayona (Pang-masa) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay ng kanyang pagsabak sa women’s 55-kilogram category ng Asian Weightlifting Championships kagabi sa Tashkent, Uzbekistan ay ang inaasahang pagbulsa ni Hidilyn Diaz sa ikaapat niyang tiket sa Olympic Games.

Ang 30-anyos na si Diaz ang magi-ging pang-pitong Pinoy athlete na nakakuha ng silya para sa 2021 Olympics na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Ang iba pa ay sina gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obie-na at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Ito ang ikaapat na sunod na Olympic appearance ng tubong Zamboanga City na si Diaz matapos noong 2008 (Beijing), 2012 (London) at 2016 (Rio de Janeiro, Brazil) kung saan niya binuhat ang silver medal sa women’s 53-kilogram.

Dahil ang nasabing Asian Weightlifting Championships ang kanyang ikaanim na Olympic qualifying tournament ay hindi na kailangan ni Diaz na manalo ng anumang medalya.

Pang-lima si Diaz sa International Weightlifting Federation (IWF) rankings sa women’s 55kg category sa kanyang 3,717.0982 points sa ilalim nina Chinese lifters Jiang Huihua (4,667.8878), Liao Qiuyun (4,288.9622), Zhang Wangqiong (4,212.6639) at Li Yajun (4,099.0223).

Ngunit sa IWF guidelines at sa Tokyo Olympics rules ay tanging si Jiang lang ang maaaring kumatawan sa China sa wo-men’s 55kg division dahil isang weightlifter lamang kada-bansa ang pinapayagang sumali sa isang weight category.

Tumatarget rin ng Olympic spot sina national lifters Mary Flor Diaz (45kg), Ellen Rose Perez (49kg), Margaret Colonia (59kg), Elreen Ann Ando (64kg), Vanessa Sarno (71kg) at Kristel Macrohon (76kg) sa women’s division at sina John Fabuar Ceniza (61kg) at John Dexter Tabique (96kg) sa men’s class.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with