^

SBP gumagawa pa rin ng paraan para kay Clarkson

Chris Co (Pang-masa) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pagsulong upang mapaluwag ang eligibility rule ng FIBA partikular na sa mga may dual citizenship na players na nais katawanin ang isang partikular na bansa.

At kung magiging matagumpay ang panliligaw ng SBP sa world governing body, numero unong makikinabang nito si NBA star at Fil-Am Jordan Clarkson ng Utah Jazz.

Base sa patakaran ng FIBA, nakakuha dapat ng passport ang isang player sa edad na 16-anyos kung nais nitong maging bahagi ng national team ng isang bansa. Kung hindi, ituturing itong isang naturalized player.

Sa isang team, isang naturalized player lamang ang maaaring isama sa lineup sa tuwing sasabak ito sa anumang FIBA-sanctioned tournaments.

“We’re working very hard on that rule. Sec-Gen Andreas (FIBA secretary general Andreas Zagklis) is very aware of that issue with us, and we’ve been communicating — not formally,” ani SBP president Al Panlilio.

Dahil sa rule ay itinuturing si Clarkson na isang naturalized player gayundin ang ilang dating players ng Gilas Pilipinas  na sina Chris Ross, Stanley Pringle at Christian Standhardinger.

Nagpakita na si Clarkson ng passport na nakuha nito bago pa man ito tumuntong sa age requirement ng FIBA subalit napaulat na pinagdududahan ito ng FIBA dahil walang tatak ang passport na indikasyon na hindi ito nagamit kahit isang beses.

JORDAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with