Utah ginamitan ng matinding depensa ang Indiana
SALT LAKE CITY — Ginamit ng Utah Jazz ang kanilang mahigpt na depensa para talunin ang Indana Pacers 119-111, kung saan nagkaroon si star guard Donovan Mitchell ng ankle injury sa third period.
Iniwan ni Mitchell ang laro sa 8:18 minuto ng third quarter dahil sa kanyang sprained ankle.
Umiskor siya ng 22 points para sa ikalawang sunod na panalo ng Jazz (42-14) na nakabangon mula sa double-digit deficit para makatabla sa Pacers (26-29) sa 89-89.
Ang 10-0 atake ng Utah, tampok ang back-to-back baskets ni Bojan Bogdanovic, ang nagbigay sa kanila ng 108-99 abante kasabay ng pagpapatahimik sa Indiana sa loob ng apat na minuto.
Tumapos si Bogdanovic na may 24 points para pamunuan ang Jazz habang may 18 markers si Fil-Am Jordan Clarkson at humakot si Rudy Gobert ng 23 rebounds at 13 points.
Sa Philadelphia, kumolekta si Joel Embiid ng 36 points at 14 rebounds para banderahan ang 76ers (39-17) sa 106-103 pagtakas sa Los Angeles Clippers (39-19).
Sa New York, naglista si Kevin Durant ng 25 points at 11 assists at may 26 markers si Joe Harris para sa 130-115 paggupo ng Brooklyn Nets (38-18) sa Charlotte Hornets (27-28).
Sa Houston, nagposte si Nikola Jokic ng 29 points at nag-ambag si Michael Porter Jr. ng 21 markers para igiya ang Denver Nuggets (36-20) sa 128-99 panalo sa Rockets (14-42).
- Latest