^

PSC todo-suporta sa kampanya ng weightlifting, triathlon

Russell Cadayona (Pang-masa) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Solidong suporta ang ibinibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga national athletes na naghahangad ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

Ito ay sa kabila ng kakapusan sa pondo ng sports agency dahil sa pandemya.

Nagbigay ang PSC ng P4.9 milyon para sa pagsabak ng national weightlifting team, pinamunuan ni 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, sa Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

“It was never a question of supporting them or not because we will, as much as we can,” wika ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ang nasabing pondo ay para sa airfare, hotel accommodation, allowances at iba pang travel expenses ng mga national weightlifters para sa nasabing Olympic qualifying tournament.

Kasama rin dito ang halos P1 milyon para kay Diaz at sa kanyang personal team na kinabibilangan nina Chinese weightlifting coach Kaiwen Gao at strength and conditioning coach Julius Irvin Naranjo.

Lalahok din sa naturang Asian tilt sina 2020 IWF Online Youth World Cup gold medalist Vanessa Sarno, Roma World Cup podium finisher John Fabuar Ceniza, 2019 Southeast Asian Games gold medalist Kristel Macrohon, Elreen Ann Ando, Mary Flor Diaz, Margaret Colonia, John Dexter Tabique at Elien Rose Perez.

Bukod sa national weightlifting team ay ginastusan din ng PSC ng halos P1 milyon ang triathlon team na lalahok sa 2021 Asian Triathlon Championships sa Hatsukaichi, Japan sa Abril 23-25.

Sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam ay mayroon nang Olympic berth.

 

 

PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with