^

E-Gilas pasok sa finals

Chris Co (Pang-masa) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang mainit na ratsada ng E-Gilas Pilipinas nang patalsikin nito ang Mongolia upang sumulong sa finals ng FIBA Esports Open III Southeast Asian Conference.

Isang matamis na 2-0 sweep ang nasikwat ng Pinoy gamers sa best-of-three semifinals series upang makahirit ng puwesto sa gold-medal match.

Nairehistro ng Pilipinas 95-35 demolisyon sa Mongolia sa Game 1 bago makuha ang gitgitang 64-58 panalo sa Game 2 ng serye.

Sasagupain ng Pilipinas sa best-of-three finals ang magwawagi sa pagitan ng Vietnam at Indonesia na naglalaro sa hiwalay na semis match habang sinusulat ang balitang ito. Ang finals  ay alas-5:30 ng hapon ngayon (Manila time).

Matikas na sinimulan Pinoy squad ang kanilang kampanya nang igupo ang Vietnam, 78-40 kasunod ang 124-30 paglampaso sa Maldives sa preliminaries.

Pinakamainit sa dalawang laro si Aljon ‘Shintarou’ Cruzin na nagpasabog ng 54 kabuuang puntos mula sa impresibong 20-of-22 shooting clip tampok ang matikas na 13 three-pointers. Nakalikom pa ito ng 14 assists at limang steals.

Nag-ambag naman si Custer Galas ng 24 puntos, walong assists, tatlong rebounds at tatlong steals habang may double-double na 13 points at 17 boards si Philippe Izzo Alcaraz.

Nakapasok ang Mongolia sa semis tangan ang 1-1 baraha sa Group 2 kung saan natalo ito sa Indonesia (44-56) ngunit nakabalik sa porma nang payukuin nito ang Sri Lanka, 104-45.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with