^

Naghigpit ang PSC sa health protocols

Russell Cadayona (Pang-masa) - April 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagpapalinis sa kanilang administration offices sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at sa Philsports Complex sa Pasig City ay hinigpitan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang health at security protocols.

Ito ay matapos ang pagsipa ng kaso ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (CO-VID-19) sa hanay ng mga empleyado ng PSC sa nakaraang mga linggo.

“We sent all athletes home even before the imposition of the first lockdown last year,” wika ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez sa pagpapabakante nila sa RMSC at Philsports Complex na ginagamit ngayong “We Heal As One” centers.

Inutusan ni Ramirez si PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr. na magpatupad ng mas mahigpit na protocols at maglatag ng isang QR code-based monitoring system para sa interaction tracing.

Nagpatupad kamakailan ang sports agency ng 10-workday lockdown sa nasabing dalawang tanggapan makaraang lumobo sa 63 ang mga COVID-19 positives.

Hinikayat ni Ramirez ang mga national athletes at National Sports Associations (NSAs) na obserbahan ang health and safety protocols sa gitna ng pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.

 

PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with