^

PM Sports

Siquijor Mystics tanggal sa Vismin Super Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinibak ng Pilpinas VisMin Super Cup ang buong Siqujor Mystics team habang may parusa rin ang coaching staff at ilang players ng Lapu-Lapu Heroes bilang parusa sa kontrobersyal na laban nila ayon sa anunsyo ng liga kahapon.

Hindi na maaaring sumali sa VisMin Super Cup ang buong Mystics, gayundin ang mga coaches at players nila sa anumang koponan habang forfeited na ang nalalabi nilang laban matapos ang imbestigasyon ng liga kasama ang Games and Amusement Board (GAB).

Suspendido naman sa natitirang bahagi ng first round sina Jojo Tangkay, Reed Juntilla, Dawn Ochea, Monbert Arong at Ferdinand Lusdoc sahog pa ang P15,000 na multa.

Parehong multa ang natanggap ni Rendell Senining at hindi na makakalaro sa Lapu-Lapu sa buong inaugural season ng liga. Maging si Heroes head coach Francis Auquico ay suspendido sa first round dagdag pa ang P30,000 na multa habang P20,000 na fine din ang ipinataw sa kanyang coaching staff.

Nagbabala rin ang liga sa mga natitirang koponan sa Visayas Leg at gayundin sa Mindanao leg na magbubukas sa Mayo na sinomang gagawa ng kabulastugan ay papatawan ng expulsion at P1 milyong multa.

“We hold ourselves and each of our players to a high standard, thus we will not tolerate these actions. Itinayo namin ang liga na ito to provide livelihood to players, coaches, utilities and other people behind. Sana ‘wag nating sirain because of the sacrifice that we’ve made is not that easy,” ani Pilipinas VisMin Super Cup COO Rocky Chan. “Wag natin babuyin ang basketball na pinakamamahal ng Pinoy. This is clear statement of the Pilipinas VisMin Super Cup. Any deliberate actions by any player and coach is not tolerated in this league.”

Kamakalawa ay inulan ng batikos ang VisMin Super Cup matapos ang sadyang pagmimintis ng free throws at lay-ups ng Siquijor at Lapu-Lapu players dahilan upang itigil ang laro sa halftime, 27-13, pabor sa Heroes.

Pinakamalaking detalye sa kontro-bersyal na laban ang masamang 4/29 free throw shooting ng parehong koponan kung saan walang pinasok maski isa ang Siquijor, 0-10.

Sa pagkawala ng Siquijor, anim na teams na lang ang naiwan sa Visayas Leg-- ang Lapu-Lapu, Talisay, Tubigon Bohol, Tabogon, Dumaguete at Mandaue.

Maging ang mga kilalang coaches at players tulad nina Mighty mentor Charles Tiu, Kiefer Ravena, Paul Lee, Robert Bolick, CJ Perez, Raymond Almazan, Mark Barroca, Thirdy Ra-vena, Jack Animam at Marc Pingris ay binatikos ang naturang laro.

“Binababoy niyo ang laro. Mara-ming player ang nawalan ng trabaho ngayong pandemic at gustung-gustong maglaro, kayo ‘yung mga pinagpala para makapaglaro tapos ganyan,” ani Lee.

Bunsod ng ginawang imbestigasyon ng VisMin Super Cup at GAB ay hindi muna itinuloy ang triple-header kahapon subalit inaasahang magbabalik askyon na ang liga ngayong araw.

vuukle comment

VISMIN SUPER CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with