^

PM Sports

SEAG athletes training balak simulan sa July 1

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng Philippine Sports Commission (PSC) na masimulan sa Hulyo 1 ang full training ng mga national athletes para sa 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam.

Ngunit hindi nilinaw ni PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Ramon Fernandez kung isasagawa ito mayroon man o walang COVID-19 vaccines ang mga atleta.

“The joint secretariat for the SEAG are carefully working on the SEAG plan,” wika kahapon ni Fernandez sa full training ng mga national athletes sa gitna ng pandemya.

Kamakalawa ay sinabi ni Fernandez na magpapatupad ang PSC kasama ang Philippine Olympic Committee (POC) ng “no vaccine, no training” policy kung patuloy na sisipa ang mga kaso ng COVID-19 positives.

Nauna nang gumastos ang PSC ng P21 milyon sa three-month ‘bubble’ training ng mga national boxers, karatekas at taekwondo jins sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ayon kay Fernandez, hindi kakayanin ng sports agency na gawin din ito sa 39 pang sports bilang preparasyon sa 2021 Vietnam SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

Kaya kakailanganin nila ang tulong ng mga Local Government Units (LGUs) para ampunin at gastusan ang mga national teams. “Baka may gustong mag-ninong muna sa ating mga atleta, we are very open to this,” ani Fernandez.

Inampon ni Ormoc City Mayor at fencing president Richard Gomez ang mga national fencers habang nag-nsayo naman ang mga national archers sa Dumaguete City at ang mga national weightlifters sa Zamboanga City.

Sa Tagaytay City ila-lagay ni POC president at Congressman Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang mga national skateboarders at cyclists.

 

vuukle comment

SEAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with