^

E-Gilas hangad mabawi ang titulo

Chris Co (Pang-masa) - April 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling sasabak ang E-Gilas Pilipinas ngayong araw bitbit ang hangaring mabawi ang korona sa Southeast Asian Conference ng FIBA Esports Open III.

Mas malaki ang edisyong ito na magtatampok ng kabuuang 60 koponan mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Maglalaban-laban ang anim na koponan na hahatiin sa dalawang grupo.

Nasa sa Group 1 ang Pilipinas kasama ang Vietnam at Maldives habang pasok sa Group 2 ang Indonesia, Sri Lanka at Mongolia.

“Esports has proven to be another area where our Filipino athletes can be world-class. Our E-Gilas team will once again represent the country and we’ll do everything we can to support them,” ani Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio.

Haharapin ng E-Gilas ngayong araw ang Vietnam at Maldives.

Tanging ang dalawang mangungunang koponan ang papasok sa crossover semifinals na gaganapin bukas (Abril 17) habang ang finals ay idaraos sa Linggo (Abril 18).

Nais ng E-Gilas na mabawi ang korona matapos matalo sa Australia sa finals ng huling edisyon ng torneo.

Ipaparada ng Pilipinas sina Angelico Cruzin, Arnie Sison, Clark Banzon, Custer Galas, Ian Santiago, Philippe Herrero at Rial Polog Jr.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with