^

PM Sports

Baron may volleyball drills sa Tiktok

Chris Co - Pang-masa
Baron may volleyball drills sa Tiktok
Majoy Baron

MANILA, Philippines — Ibinahagi ni F2 Logistics middle blocker Majoy Baron ang ilang drills na maaaring gawin ng mga volleyball players sa kani-kanyang mga tahanan.

Sa kanyang TikTok video, itinuro ni Baron ang ilang drills kung paano mapapalakas ang digging skills.

Ibinahagi nito ang basic control drills sa digging gaya ng simpleng wall digs at para sa extra challenge, maglagay ng marka na magiging target sa wall digs. Ipinamalas din ni Baron ang husay nito sa digging gamit ang  one hand dig sa right hand at one hand dig sa left hand gayundin ang alternate hand dig.

Puwede ring gawin sa wall  ang one hand dig gamit ang kanang kamay at one hand dig gamit ang kaliwang kamay.

Ang basic volleyball drills na ito ay ilang paraan para mapalakas ang floor defense ng isang volleyball player.

Hindi pa pinahihintulutan na makapag-ensayo ang mga professional teams na nasa MECQ areas base sa patakaran ng Inter-Agency Task Force.

Sa Hunyo ang target na pagsisimula ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kung saan masisilayan sa unang pagkakataon ang Cargo Movers matapos nitong lisanin ang Philippine Superliga.

 

vuukle comment

MAJOY BARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with