^

SBP gagawa ng paraan para sa ensayo ng Gilas

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan pa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang gagawing hakbang upang makapagsanay ang Gilas Pilipinas para sa nalalapit na mga torneo sa gitna ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus.

Ayon kay Ryan Gregorio, special assistant ni SBP president Al Panlilio, tinatalakay pa ng pede-rasyon ang mga puwede nilang maging options para makabalik sa ensayo ang national team.

Sa ilalim kasi ng MECQ na nakataas sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna hanggang sa katapusan ng Abril ay ipinagbabawal pa rin ang group trainings ayon sa Joint Administrative Order (JAO) para sa sports at utos ng Philippine Sports Commission (PSC) sa National Sports Associations (NSAs).

Nasa kasagsagan na ng training noong nakaraang buwan ang Gilas sa Calamba bubble sa Laguna – na noon ay nasa pinakamaluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ) pa – bago masama sa NCR Plus bubble sa ilalim ng mas mahigpit na ECQ bago nag-MECQ simula ngayong linggo.

Kung hihintayin ng Gilas ang pagtatapos ng MECQ sa Abril 30 ay magagahol ito sa pagha-handa lalo’t sa Hunyo 16-20 na ang huling window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na pormal nang ibinigay ang hosting rights sa Clark, Pampanga kamakailan lang.

Iho-host ng Gilas ang Group A teammates na South Korea, Indonesia at Thailand gayundin ang teams ng Group B (Japan, China, Malaysia, Chinese-Taipei) at C (Australia, New Zealand, Hong Kong at Guam).

Kasunod nito ang FIBA Olympic Qualifying Tournament na tsansa ng Pinas sa Tokyo Olympics sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 na gaganapin naman sa Belgrade, Serbia.

Depende sa Inter-Agency Task Force, posibleng idaos ng Gilas ang training bubble sa low-risk o MGCQ areas upang makalarga na agad, dalawang buwan bago ang torneo.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with