^

PBA kailangang magdesisyon

Chris Co (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpupulong ang Philippine Basketball Association (PBA) board sa susunod na linggo upang desisyunan ang magiging hakbang nito para maitaguyod ang PBA Season 46 Philippine Cup.

Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial na magtitipon ang lahat ng board of governors kasama ang iba pang opisyales ng liga para balangkasin ang plano.

Ilalatag ng liga ang lahat kabilang na ang pagtalakay sa pinansiyal na aspeto at lahat ng posibleng gawin para matagumpay na mairaos ang season.

Hindi isinasantabi ni Marcial ang muling pagpasok sa bubble ngunit hangga’t maaari, ito ang pinakahuling opsiyon dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Una na rito ang mala-king gastusing kakaila-nganin sa bubble gayundin ang malaking epekto nito sa mental health ng mga players, coaches at officials.

“We’re not leaning on that. Holding a full bubble is our last option. What’s hard about holding a full-bubble, apart from the financial aspect, is our mental health. Imagine being holed up in a hotel for four months,” ani Marcial.

Nagulo ang schedule ng liga matapos ibalik sa mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR plus bubble kabilang na ang Antipolo City sa Rizal na venue sana ng opening.

Noong Linggo, ibinaba sa Modified ECQ (MECQ) ang NCR plus bubble subalit hindi pa rin maaaring makapag-ensayo ang mga teams na nasa ilalim nito.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with