^
Wizards pinigilan ang Jazz

Wizards pinigilan ang Jazz

(Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

SALT LAKE CITY—Tinapos ng Washington Wizards ang franchise-record na 24-game home winning streak ng Utah Jazz matapos angkinin ang 125-121 tagumpay.

Kumamada si Bradley Beal ng 34 points para sa Wizards at tumapos si Russell Westbrook na may triple-double sa kanyang 25 points, 14 rebounds at 14 assists.

Naipanalo ng Washington (20-33) ang kanilang dalawang beses na pagsasagupa ng Utah (40-14) ngayong season.

Binanderahan ni Donovan Mitchell ang Jazz sa kanyang 42 points at nagtala si Bojan Bogdanovic ng season-high 33 markers.

Nakabangon ang Utah mula sa 19-point deficit para makadikit sa 119-121 sa driving layup ni Mitchell sa huling 12.3 segundo kasunod ang apat na free throws nina Beal at Westbrook para sa panalo ng Washington.

Sa Dallas, humakot si center Joel Embiid ng 36 points para banderahan ang Philadelphia 76ers (37-17) sa 113-95 pagpapatumba sa Mavericks (29-24).

Iniwanan ng Philadelphia para sa top spot ng Eastern Conference ang Brooklyn Nets (36-17) na nakansela ang pakikipagharap sa Minnesota Timberwolves (14-40) matapos ang pamamaril sa isang  ‘black man’ sa Minneapolis area.

Sa New York, kumolekta si Julius Randle ng 34 points at 10 rebounds para tulungan ang Knicks (28-27) sa 111-96 paggupo sa nagdedepensang Los Angeles Lakers (33-21).

Sa New Orleans, umiskor si Brandon Ingram ng 34 points kasunod ang 30 markers ni Zion Williamson para banderahan ang Pelicans (25-29) sa 117-110 pagdaig sa Sacramento Kings (22-32).

Nanalo rin ang Memphis (27-25) sa Chicago Bulls (22-31), 101-90.

WASHINGTON WIZARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with