De los Santos 14-golds na
MANILA, Philippines — Tuloy ang ratsada ni Orencio James De los Santos matapos pagharian ang third leg ng Katana Intercontinental League kahapon.
Sa ikalawang sunod na pagkakataon, muling pinataob ni De Los Santos sa finals ng men’s individual kata seniors si Domont Matias Moreno ng Switzerland sa iskor na 27.40-26.38.
Nakapasok sa finals si De Los Santos matapos manguna sa Pool 2 tangan ang 25.0 puntos.
Tinalo ng two-time Southeast Asian Games bronze medalist sa pool stage sina Alfredo Bustamante ng Amerika (24.12), Johnsen Cornelius ng Norway (23.82) at Remi Bonneau ng France (22.00).
Sa kabuuan, ito ang ika-14 gintong medalya ni De Los Santos sa taong ito.
“I realized that in addition to last year’s medal haul, I’ve already reached an overall total of 50 gold medals from competing virtually. On to more,” ani De Los Santos.
Namamayagpag pa rin si De Los Santos sa world ranking hawak ang No. 1 spot matapos makalikom ng 24,485 puntos.
- Latest