^

PM Sports

IBF title kay Ancajas pa rin

Chris Co - Pang-masa
IBF title kay Ancajas pa rin

MANILA, Philippines — Matagumpay na naipagtanggol ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas ang titulo nito matapos itarak ang unanimous decision win kay Mexican Jonathan Rodriguez kahapon sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Inilabas ni Ancajas ang bagsik nito sa buong laban para makuha ang boto ng tatlong hurado na nagbigay ng 115-112, 116-111 at 117-110 iskor pabor sa kanya.

“Masaya ako na nakuha ko ‘yung panalo dahil nagbunga ang lahat ng sakripisyo namin, nagawa namin ng maayos ‘yung game plan at naipanalo ‘yung laban. Malaking reward ito para sa amin,” ani Ancajas.

Solido ang ipinamalas ni Ancajas dahil kitang-kita ito sa resulta ng Compubox kung saan nagpakawala ito ng 131 body punches kumpara sa 44 lamang ni Rodriguez.

Nakaabante rin ang Panabo Davao del Norte pride sa jab na may 56 laban sa 20 ng Mexican fighter.

Pambawi ni Rodriguez ang naitala niyang  253 power punches laban sa 176 ni Ancajas.

Aminado si Ancajas na isa si Rodriguez sa pinakamatinding nakalaban nito sa kanyang siyam na title defense.

“Sa siyam na title defense ko, si Rodriguez talaga ‘yung pinakamalakas dahil nandun din ‘yung puso niya sa laban at alam ko na pinaghandaan niya talaga ako,” ani Ancajas.

Umangat sa 33-1-2 win-loss-draw, tampok ang 22 knockouts ang rekord ni Ancajas samantalang bumagsak sa 22-2 (16 KOs) si Rodriguez.

Na-knockdown ni Ancajas sa eighth round si Rodriguez sa kanyang matikas na right shot .

Samantala, nasikwat ni Mark Magsayo ang fourth round knockout win laban kay Pablo Cruz sa undercard ng Premier Boxing Champions: Ennis vs Lepinets upang manati-ling malinis ang kanyang rekord sa pro boxing.

Ito ang ika-15 knockout win ni Magsayo sa 22 pagsalang nito.

 

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with