^

PM Sports

FIBA bubble sa Clark inaayos na ng SBP

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaplantsa na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang lahat para sa matagumpay na pagdaraos ng FIBA Asia Cup Qualifiers final window sa Hunyo 16 hanggang 20 sa Clark, Pampanga.

Ngayong may eksaktong petsa na ang qualifiers, inaasikaso na ng SBP ang magiging schedule partikular na sa paghahati-hati sa oras para sa training ng bawat team.

Tatlong grupo na binubuo ng 12 koponan ang maglalaro sa Clark bubble kaya’t kailangang maisaayos ang oras ng training sa Angeles University Foundation gym sa Angeles, Pampanga.

Hindi naman na bago ang SBP sa ganitong sitwasyon dahil katuwang nito sa pagtataguyod ng qualifiers ang PBA na may 12 teams din nang gamitin ang parehong bubble setup noong nakaraang taon.

Darating sa Pilipinas ang South Korea, Thailand at Indonesia na makakasama ng Gilas sa Group A gayundin ang Group B teams na China, Chinese-Taipei, Japan at Malaysia. Sa vGroup C teams ang Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong.

Pinag-aaralan na rin ang magiging quarantine protocols pagdating ng mga delegado.

Una na rito ang proseso sa swab test at kung ilang araw magku-quarantine ang bawat team bago tuluyang makapag-ensayo. Para sa mga foreign delegates na dara-ting, pagbabasehan ang quarantine protocols na ilalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) na depende sa COVID-19 (coronavirus disease) situation ng bansa sa Hunyo.

Sa kasalukuyan, mahigpit ang IATF sa pagpapatupad ng quarantine protocols dahil sa paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Posibleng maging direct flight sa Clark International Airport ang entry point ng mga delegado na ‘di hamak na mas malapit sa Clark bubble kumpara sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

Nais ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan na matagumpay na maitaguyod ang qualifiers sa kabila ng nakaambang problema dulot ng COVID-19. 

 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with