PSC naghihintay ng tugon ng pamahalaan
MANILA, Philippines — Umaasa ng Philippine Sports Commission (PSC) na tutugunan ng Office of the President ang kanilang request na i-lockdown ang mga sports facilities dahil sa paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) positives sa mga empleyado ng ahensiya.
Gusto ng PSC na maisara ang Rizal Memorial Sports Complex sa Manila City at ang PhilSports Arena sa Pasig City na nagsisilbi ring quarantine facility ng mga COVID-19 positives.
Base sa Memorandum Circular No. 85, tanging ang Office of the President lamang ang puwedeng magbigay ng clearance para sa pagpapasara ng isang government facility
May 42 active cases na PSC emplo-yees mula sa 18 noong nakaraang buwan.
Nananatili si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez at iba pang Commissioners sa Philsports Complex.
Abala ang sports agency sa preparas-yon ng mga national athletes na lalahok sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 at Vietnam SEA Games sa Nobyembre 12 hanggang Disyembre.2.
Balak sana ng PSC na gamitin ang mga RMSC at ang PhilSports bilang training venue para makatipid.
Ang ng bubble training ng mga atletang nagsasanay para sa Olympics sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ay umabot na sa P21 milyon ang gastos.
Pinayuhan ni PSC Commissioner Ramon Fernandez, ang SEA Games chef-de-mission, ang mga NSAs na maghanap ng ibang lugar na pagdarausan ng training camp at maghanap din ng sponsor.
- Latest