^
Itotodo na lahat ni Ancajas
Jerwin Ancajas at Mark Magsayo

Itotodo na lahat ni Ancajas

Chris Co (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilalabas na ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas ang lahat ng alas nito sa kanyang ninth title defense kontra kay Mexican Jonathan Rodriguez ngayong araw sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Parehong pasok sa timbang ang dalawang boksingero. Tumimbang si Ancajas (32-1-2, 22 KOs) ng 114.8 pounds habang nagtala naman si Rodriguez (22-1, 16 KOs) ng eksaktong 115 pounds sa official weigh-in kahapon sa Mohegan.

Nakatakda ang bakbakang Ancajas-Rodriguez sa alas-9 ng umaga (oras sa Maynila).

Excited na si Ancajas na ibuhos ang kanyang lakas matapos matengga ng mahigit isang taon dahil sa pandemya. “Sobrang tagal kong hinintay ang laban na ito kaya excited na po ako. Gigil na gigil na akong lumaban. Alam kong pareho kaming gutom pero mas gutom ako na madepensahan ang titulo ko,” ani Ancajas.

Desidido si Ancajas na maipagtanggol ang kanyang titulo dahil ito ang magsisilbing tiket nito para sa mas malalaking laban.

“‘Yun naman po ang main goal lalo na hawak natin ang titulo. Parang magiging daan pa ang panalo ko para sa mas malalaking title fights,” ani Ancajas.

Alam ni Ancajas na preparado rin ang kampo ni Rodriguez. Maganda ang rekord nito at sumailalim din sa pukpukang ensayo.

Ngunit handa ang Pinoy champion. Naka-ready na ang game plan nito para sa Mexican fighter.

“Napag-aralan na namin ang galaw niya, ‘yung style niya. Kailangan na lang na ma-execute during the fight. Nakikita ko sa kanya na gusto niyang manalo sa akin, kaya mas lalo akong pursigido na madepensahan ‘yung title,” ani Ancajas.

 

JERWIN ANCAJAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with