^

Bakuna para SA buong PBA community

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bakuna rin ang tini-tingnang solusyon ng PBA upang makapagdaos ng mga laro sa gitna pa rin ng pandemya kasunod ng pagdiriwang ng liga ng ika-46 taong anibersayo kamakalawa.

Ayon kay PBA Chairman Ricky Vargas, ang pagpapabakuna sa lahat ng players kapag pinayagan na ng gobyerno ang magiging prayoridad ng PBA upang maging bahagi ng pangkabuuang “healing process” ng bansa.

“We need to rally our people towards a common goal. Let us all sacrifice for the greater good and for a stronger PBA. We will pivot, deliver, transform and perform” ani Vargas, team governor ng TNT Tropang Giga.

Katuwang ang Philippine Red Cross ay plano ng PBA, ayon kay Commissioner Willie Marcial, na magkaroon ng vaccines mula sa Moderna. Nangako rin si Smart at PLDT chairman Manny V. Pangilinan ng karagdagang  doses ng bakuna para sa 1,500-man PBA family.

Bahagi din sa plano ang pagdaos ng friendly games ng PBA all-stars na tatawaging PBA Warriors sa ilalim ni coach Yeng Guiao kontra sa powerhouse China bago ang 2021 Season opener.

Ang planong ito gayundin ang buong 2021 calendar ay tengga muna habang naghihintay pa ang PBA sa pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NRC Plus bubble.

Inaasahang iaanunsyo ngayon kung mapapalawig pa ba ang ECQ na noong Marso 29  sinimulan o babalik na sa mas maluwag na quarantine status ang Metro Manila at tsaka magpupulong ang PBA Board of Governors upang talakayin ang susunod na hakbang.

Kamakalawa sana  binuksan ang 46th Season  ng PBA na naurong sa Abril 11 bago iniatras uli sa Abril 18 na hindi na rin matutuloy sa ngayon.

Kung luluwag na ang sitwasyon sa bansa ay nais ng PBA na magdaos ng two-conference, 10-month season sa ilalim ng closed-circuit set-up sa huling linggo ng Abril o sa Mayo.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with