^

Clippers dinomina ang Rockets

(Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES — Humataw si Kawhi Leonard ng 31 points habang may 26 markers si Reggie Jackson para banderahan ang 126-109 pagdomina ng Clippers sa Houston Rockets.

Bumangon ang Clippers (36-18) mula sa 14-point deficit sa pagsisimula ng second period bago humataw ng 41-6 atake para iwanan ang Rockets (14-38) sa second half.

Umiskor si Leonard ng 11 points at nagsalpak si Jackson ng tatlong 3-pointers sa nasabing yugto para ibigay sa Los Angeles ang 67-46 bentahe sa halftime.

Pinamunuan ni Christian Wood ang Houston sa kanyang 23 points.

Sa Denver, ipinoste ni Nikola Jokic ang kanyang ika-54 career triple-double sa tinapos na 26 points, 14 assists at 13 rebounds para sa 121-119 paglusot ng Nuggets (34-18) sa San Antonio Spurs (24-26).

Sa New Orleans, humugot si Zion Williamson ng 14 sa kanyang 37 points sa fourth quarter para sa 101-94 pagdaig ng Pelicans (23-29) sa Philadelphia 76ers (35-17).

Sa Milwaukee, kumamada si Miles Bridges ng 26 points para pamunuan ang Charlotte Hornets (27-24) sa 127-119 paggupo sa Giannis Antetokounmpo-less Bucks (32-20).

Sa Boston, nagpasabog si Jayson Tatum ng career-high 53 points kasama ang 18 sa fourth quarter at overtime para sa 145-136 tagumpay ng Celtics (27-26) sa Minnesota Timberwolves (13-40).

CLIPPERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with