^

Pagbabalik ng karera inaabangan

Nilda Moreno (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hanggang ngayong araw ang itinakdang pansa-mantalang suspension sa karera operation ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

At kahit wala pang abiso ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung kailan ang pagbabalik-aksyon sa karerahan ay naglabas na ng imbitasyon ang PHILRACOM para sa 2021 “Three-Year-Old Maiden stakes race na ilalarga sa May 23 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Maliban sa cash prizes sa mananalong kabayo ay may nakalaan ding P50,000 para sa breeder ng winning horse sa nasabing stakes race.

“Open to all registered locally born 3-Year-Old horses that have participated in a Novato race.” post ng PHILRACOM sa kanilangFacebook page.

Naapektuhan ang mga stakes race dahil sa pagsuspindi ng karera kasama ang 2021 PHILRACOM Commissioner’s Cup na dalawang beses nang naudlot.

Kinansela ang mga karera mula pa noong Marso 20 at nakaabang sa anunsyo ng PHILRACOM ang bayang karerista.

 

PHILRACOM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with