^

Good luck Vismin Super Cup

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - April 11, 2021 - 12:00am

Maliban na lang kung may biglang pumutok na aberya, may muling masusundan na basketball games ang Pinoy sports fans sa pagbubukas kamakailan ng Visayas leg ng VisMin Super Cup.

Exciting ang bagong regional league na ito at ang format na magtatapos sa best-of-three finale sa pagitan ng Visayas champ at Mindanao titlist.

Kinagiliwan noon ng southern Philippines cage fans ang Mindanao Visayas Basketball Association bago ito sumanib sa National Basketball Conference upang buuin noong 2008 ang Liga Pilipinas.

Kaya’t walang dudang magiging patok din ang VisMin Super Cup lalo na’t pahinga ang PBA, D-League, UAAP, NCAA at kahit na ang MPBL.

Malaki rin ang posibilidad na makatuklas ng bagong talent dahil obligado ang bawat koponan na magkaroon ng at least anim na home-grown players.

Mas magiging patok ito kung iikot na bilang home-and-away league.

Pero dahil sa pandemya, nakabase sa Alcantara, Cebu ang unang Visayas leg at sa Dipolog naman ang unang Mindanao stop.

Pitong koponan ang magsasagupa sa Visayas at siyam ang magbabanggaan sa Mindanao. Dahil dito, maraming players, coaches, staff members at officials ang nabigyan ng trabaho sa gitna ng pandemya.

Good luck sa liga!

 

VISMIN SUPER CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with