^

PM Sports

Ancajas ready na

Russell Cadayona - Pang-masa
Ancajas ready na
Jerwin Ancajas

MANILA, Philippines — Negatibo sa coronavirus disease (COVID-19) si International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas gayundin ang buong team nito na nasa loob ng boxing bubble sa Uncasville, Connecticut.

Makakasagupa ni Ancajas sa Sabado (Linggo sa Maynila) si Mexican Jonathan Rodriguez sa Mohegan Sun Arena para sa kanyang ikasiyam na title defense.

Masayang ibinalita ni trainer/manager Joven Ancajas na wala nang aberya sa laban ni Ancajas dahil negatibo rin ang lahat ng miyembro ng kampo ni Rodriguez.

“Negative naman kami lahat sa swab test kaya wala nang problema. Optimistic naman kami na negative ang kalalabasan ng test dahil sobra ang pag-iingat namin during training,” ani Jimenez.

Pasok na pasok na rin sa timbang si Ancajas na kasalukuyang may 115 pounds na bigat — ang eksaktong catch weight sa laban nito kay Rodriguez.

Ayon kay Jimenez, kailangan lang na mabantayan ng husto ang mga kinakain ni Ancajas upang ma-maintain ang perpektong kundisyon ng kanyang timbang.

“Bukas (Sabado sa Maynila) na ang weigh-in, kuha na ni Jerwin ‘yung timbang ngayon pa lang kaya wala nang problema. Kailangan i-maintain na lang bago ang weigh-in,” ani Jimenez.

Mataas ang morale ni Ancajas na gigil na gigil nang tumuntong sa ring dahil ilang beses na maantala ang laban nito kay Rodriguez noong nakaraang taon dahil sa pandemya.

Mahigit 16 na buwan na hindi nakasalang si Ancajas kung saan huli itong nasilayan sa aksiyon noong Disyembre 2019 matapos pataubin si Chilean Miguel Gonzalez via sixth round knockout.

“Ready na ako sa laban dahil mahigit one year na akong hindi nakalaban. Andun ‘yung excited and at the same time ‘yung gigil na mailabas ko ang lahat,” ani Ancajas.

 

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with