^

PM Sports

Ravena balik sa No.15 jersey

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Ravena balik sa No.15 jersey
Kiefer Ravena

MANILA, Philippines — Babalik sa kanyang dating jersey na No. 15 si Kiefer Ravena para sa PBA Season 46, ayon sa anunsyo ng NLEX Road Warriors.

“I just want to go back to where it all started, something you feel comfortable having,” ani Ravena sa opisyal na  pahayag ng koponan.

Noong nakaraang taon ay nagsuot ng No. 24 jersey si Ravena bilang pagpupugay sa idol na si Kobe Bryant matapos ang biglaang pagpanaw nito sa masaklap na helicopter crash sa United States.

Numero 15 na ang jersey ni Ravena dati pa sa Ateneo bago umakyat sa PBA noong 2017 bilang second overall pick ng Road Warriors.

Suot ang legendary No. 24 jersey ni Bryant ay nagrehistro ng 19.3 points at 4.6 assists si Ravena para sa NLEX sa makasaysayang 2020 Philippine Cup na ginanap sa loob ng bubble sa Clark, Pampanga.

Ngayon sa pagbabalik niya sa No. 15 ay inaasahan ang parehong averages o higit pa mula kay Ravena para sa misyong madala sa playoffs ang NLEX matapos kapusin sa Clark bubble. Hindi mag-iisa si Ravena dahil makakasama niya ang bagong Road Warrior na si Calvin Oftana,  third pick ng NLEX sa bigating 2021 PBA Rookie Draft noong nakaraang buwan.

Makakatulong din ni Ravena sina Don Trollano, Roi Sumang at Maurice Shaw na nakuha rin ng koponan kapalit ang No. 4 pick sa parehong draft. Dagdag pa rito ang intact supporting core nina Kevin Alas, JR Quiñahan, Jericho Cruz, Raul Soyud, Mike Miranda at Mike Ayonayon.

vuukle comment

KIEFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with