^

PM Sports

NCAA Season 96 inurong

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniurong sa Hunyo ang pagbubukas ng special edition ng NCAA Season 96 dahil pa rin sa umiiral na Enhanced Communited Quarantine (ECQ) sa NCR plus bubble.

Orihinal sanang sisimulan ang Season 96 sa Mayo ngunit nagpasya ang pamunuan ng liga na iatras ito sa kalagitnaan ng Hunyo.

Wala pang ibinigay na eksaktong petsa si NCAA Management Committee chairman Fr. Vic Calvo ng Colegio de San Juan de Letran.

“The NCAA Board agreed to move the opening date to June. Hopefully, mid-June,” ani Calvo.

Hirap na makakilos ang mga bumubuo ng liga kabilang na ang broadcast partner nitong GMA-7 dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine protocols.

Kabilang sa mga target idaos sa Season 96 ang mga online tournaments gaya ng chess at poomsae sa taekwondo. Plano rin ng liga na magkaroon ng skills challenge sa volleyball at basketball.

Kabilang sa mga posibleng ilinya sa skills challenge sa basketball ang three-point shootout at slam dunk contest habang wala pang linaw kung ano ang gagawin sa skills challenge sa volleyball.

Nilinaw kamakailan ni Calvo na hindi counted ang playing year ng mga student-athletes ang special edition ng NCAA.

Ang mga may fifth-year playing eligibility sa taong ito ay maaari pa ring makapaglaro sa regular season ng liga sa susunod na taon sa Season 97 ng liga.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with