^
Brooklyn Nets wagi sa pagbabalik ni Durant

Brooklyn Nets wagi sa pagbabalik ni Durant

(Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

NEW YORK — Nagbalik si Kevin Durant mula sa 23-game absence para umiskor ng 17 points at tulungan ang Brooklyn Nets na angkinin ang 139-111 panalo sa New Orleans Pelicans.

Ipinasok ni coach Steve Nash si Durant sa 7:30 minuto sa second quarter at sa pagtatapos ng first half ay bitbit na ng Nets (36-16) ang 20-point halftime lead sa Pelicans (22-29).

Nagdagdag si Durant, galing sa strained left hamstring injury, ng 7 rebounds at 5 assists sa loob ng 19 minutong paglalaro,  sa likod nina Kyrie Irving at LaMarcus Aldridge na may 24 at 22 markers, ayon sa pagkakasunod.

Pinangunahan naman ni Eric Bledsoe ang New Orleans sa kanyang 26 points bagama’t napatalsik ito sa laro matapos patawan ng dalawang technical fouls sa huling bahagi ng third quarter.

Sa Phoenix, nagtala si Chris Paul ng 29 points, 9 assists at 4 boards para banderahan ang Suns (36-14) sa 117-113 overtime win sa Utah Jazz (38-13).

Sa Denver, kumolekta si Nikola Jokic ng 25 points, 10 assists at 9 rebounds para sa 106-96 pagpapatumba ng Nuggets (33-18) sa San Antonio Spurs (24-25).

Sa Houston, umiskor si John Wall ng 31 points para tulungan ang Rockets (14-37) na tapusin ang kanilang five-game losing skid sa 102-93 pagdaig sa Dallas Mavericks (28-22).

Sa Atlanta, humugot si Grayson Allen ng 17 sa kanyang season-high 30 points sa third quarter para pamunuan ang 131-113 pagdomina ng Memphis Grizzlies (26-23) sa Hawks (27-25).

Sa Boston, nagtala si Jaylen Brown ng 32 points at 10 rebounds para pa-ngunahan ang Celtics (26-26) sa 101-99 pagtakas sa New York Knicks (25-27).

Sa Oklahoma City, tumipa si Jalen McDaniels ng career-high 21 points para sa 113-102 tagumpay ng Charlotte Hornets (26-24) sa Thunder (20-31).

BROOKLYN NETS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with