^
Pagkaantala ng PBA pabor kay Fajardo
June Mar Fajardo

Pagkaantala ng PBA pabor kay Fajardo

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay ng paghihintay ng PBA sa pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang maplano na ang Season 46, magkakaroon ng sapat na panahon na mag-recover si six-time MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.

Bagama’t mauurong ang 2021 Season opener na magbubukas sana sa susunod na linggo, mala-king tulong ito sa pagpapagaling ng pambatong big man ng San Miguel, ayon kay Beermen team manager Gee Abanilla. “With the current situation, siguradong mamo-move ang season. That would be good for June Mar’s recovery,” aniya.

Ngayong linggo matatapos ang umiiral na ECQ, pinakamahigpit na quarantine sa bansa, sa NCR Plus bubble (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal) na inimplementa noong Marso 29 bunsod ng tumataaas na kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng ECQ, limitado ang paggalaw at ipinagbabawal ang anomang gatherings tulad ng sporting events na pansamantalang nagpatigil sa ensayo ng PBA teams.

Dahil sa delay na ito, siguradong hindi na matutuloy ang planong April 18 opener ng PBA at baka sa susunod na buwan na ito maisakatuparan depende kung mapapalawig pa  o hindi na ang ECQ.

Kaya naman tuluy-tuloy lamang ang rehab ni Fajardo upang maging lubos na handa sa pagbabalik ng PBA kapag pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Nagtamo ang 6-foot-10 Cebuano ng fractured right tibia injury noong nakaraang taon, dahilan upang hindi siya makasama sa PBA bub ble sa Clark, Pampanga, kung saan nakawala sa Beermen ang Philippine Cup na limang-sunod na taon nilang pinaghaharian.

Naghihintay pa ngayon ang PBA sa susunod na anunsyo ng pamahalaan bago magpulong sina Commissioner Willie Marcial at ang Board of Governors upang talakayin ang kanilang susunod na hakbang.

JUNE MAR FAJARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with