^
Marcial magko-concentrate sa Olympics
Eumir Felix Marcial

Marcial magko-concentrate sa Olympics

Chris Co (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Burado muna ang professional fights sa ngayon para kay Eumir Felix Marcial dahil nakatuon na ang atensiyon nito sa Tokyo Olympics sa Hulyo.

Inihayag ni MP Promotions president Sean Gibbons na wala na munang pro fight na sasalangan si Marcial para mapagtuunan nito ng pansin ang preparasyon sa Tokyo Olympics.

Si Gibbons ang humahawak sa professional boxing career ni Marcial.

Ito ang naging hakbang ng MP Promotions para makaiwas sa injury bago ang Tokyo Olympics.

“There’s no need to do a fight because it’s all about Tokyo Olympics. We’re not getting any chances to hurt his hands,” ani Gibbons.

Sumasailalim si Marcial sa pukpukang ensayo sa Wild Card Gym sa California.

Kasama nito ang mga beteranong coaches na sina American Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning guru Justine Fortune. Maliban dito, sumasailalim din si Marcial sa matitinding sparring sessions.

“It’s just a lot of good trainings here, good sparring before he rejoins the team. It’s better to focus now because it’s so close to the Olympics,” ani Gibbons.

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Marcial sa unang linggo ng Mayo upang makasama ang national team sa training camp bago sumalang sa isang torneo sa India.

Layunin ng kanyang grupo na matulungan si Marcial sa asam na Olympic gold.

 

EUMIR FELIX MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with