^
Ancajas handa nang makipagbakbakan
Jerwin Ancajas

Ancajas handa nang makipagbakbakan

Chris Co (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa na sa matinding bakbakan si Jerwin Ancajas para depensahan ang kanyang International Boxing Federation (IBF) super flyweight belt laban kay Mexican challenger Jonathan Rodriguez sa Sabado (Linggo sa Maynila) sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Sumailalim sa pukpukang ensayo si Ancajas sa Amerika at lutang na lutang na ang bagsik sa kanyang katawan.

Pero wala sa isip ni Ancajas ang maging kampante kaya sinabi niyang hindi Perfect 10 kondisyon nito .

“Para sa akin nine lang kasi sinasabi parati namin na handang-handa na kami pero ‘yung one dun ‘yun ‘yung kumpiyansa. Huwag magkumpiyansa sa laban, ‘yung over confident,” ani Ancajas.

Aminado ang Team Ancajas na hindi birong kalaban si Rodriguez.

Galing din ito sa dalawang sunod na knockout wins laban kina Julian Yedras noong Disyembre 4, 2020 at Felife Orucuta noong Hunyo 7, 2019.

Nakikita rin ni Ancajas sa Facebook ang progreso ng pagsasanay ni Rodriguez.

“Naka-focus talaga ako sa laban na ito dahil nakikita ko ‘yung post niya sa Facebook, meron din silang dietitian tapos may weekly medical pa sila. ‘Yung physical condition niya, handang handa siya,” ani Ancajas.

Handa si Ancajas sa anumang bombang pasasabugin ni Rodriguez.

“Mexican talaga ‘yung style niya. Talagang papasok handnag makipagpatayan sa loob ng ring. Patay kung patay talaga siya. Pero kami ni Jerwin ayaw naming mapahiya ang mga Pilipino, lalaban tayo,” ani Jimenez.

Nasa Connecticut na ang Team Ancajas kung saan hinihintay na lamang ng grupo ang resulta ng swab test bago makalabas sa kanilang quarantine room. Sa oras na mag-negatibo, agad na sasalang sa workout si Ancajas para masiguro na nasa tamang timbang ito bago ang weigh-in sa Sabado.

 

JERWIN ANCAJAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with