^
Didal asam ang Tokyo Olympics sa Rome Street World Championship
Margielyn Didal

Didal asam ang Tokyo Olympics sa Rome Street World Championship

Russell Cadayona (Pang-masa) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pipilitin ni national skater Margielyn Didal na maging pang-pitong atletang kakatawan sa Pilipinas sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

Sasabak ang 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Street World Championship 2021 sa Mayo 30 hanggang Hunyo sa Rome, Italy.

Ang nasabing torneo ay isang Olympic qualification point earning competition kung saan ang top three finishers sa men’s at women’s divisions ang makakakuha ng outright berth sa quadrennial games anuman ang kanilang mga posisyon sa kasalukuyang Olympic rankings.

Okupado ng 21-anyos na si Didal ang No. 14 seat na inaasahang pasok sa inilatag na 20 slots para sa Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) ay kinansela ng world skate federation ang unang dalawang Olympic qualifying competitions.

Walang tigil sa kanyang pag-eensayo si Didal sa isang training camp sa Cebu City para paghandaan ang nasabing Olympic qualifying meet sa Rome.

Hangad ni Didal, ang Asia Skater of the Year, na makasama sa pagsabak sa 2021 Tokyo Olympics sina gymnast Caloy Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

MARGIELYN DIDAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with