^

PM Sports

Pamatid uhaw

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Salamat sa internet at wires, kahit papaano eh napapatid ang uhaw ng mga Pinoy sa basketball.

Diretso ang bakbakan sa NBA na patuloy na pinangungunahan ng Utah Jazz kasama si Fil-Am ace Jordan Clarkson.

At mainit na mainit ang March Madness na magtatapos na sa pamamagitan ng exciting na finale sa pagitan ng Gonzaga at Baylor.

Malupet ang escape win ng Gonzaga kontra sa UCLA sa kanilang Final Four matchup – 93-90 overtime win na nahugot sa pamamagitan ng malayong buzzer-beater ni Zags rookie Jalen Suggs.

Sa Pinas, nahinto ang pamamayagpag ng Ateneo Blue Eagles at San Beda Red Lions sa UAAP at NCAA dahil sa pesteng infectious virus.

At walang kasiguruhan kung kailan makababalik ang collegiate basketball dahil wala rin kasiguruhan kung kailan huhupa ang pandemya.

Kahit nga ang PBA eh nabalahong muli dahil sa panunumbalik ng malakas na COVID surge.

Tinarget nila ang April 11 para sa pagsisimula ng kanilang Season 46. Dahil sa muling paghihigpit ng quarantine, nadiskaril ang kalendaryo, at walang kasiguruhan kung kailan muling uusad.

Araguy!

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with