_pang-masa
^

PM Sports

Pang-12 triple-double ni James Harden

Pang-masa
Pang-12 triple-double ni James Harden

NEW YORK — Ipinoste ni James Harden ang 38 points, 13 assists at 11 rebounds para duplikahin ang single-season record ng Brooklyn Nets sa kanyang ika-12 triple-double sa 32 games at igupo ang Minnesota Timberwolves, 112-107.

Nagdagdag si Kyrie Irving ng 27 points para sa ika-18 panalo ng Nets (32-15) sa huling 21 laban bagama’t wala si Kevin Durant (strained left hamstring) at hindi pa paglalaro ng bago nilang player na si LaMarcus Aldridge.

Si Hall of Famer Jason Kidd ay may 12 triple-doubles para sa Brooklyn na itinala niya noong 2006-07 at 2007-08 seasons.

Pinamunuan ni Karl-Anthony Towns ang Minnesota (11-36) sa kanyang 31 points at 12 rebounds.

Sa Salt Lake City, tumipa si Donovan Mitchell ng 19 points at humakot si Rudy Gobert ng 18 points at 17 boards para sa 114-75 pagmasaker ng Utah Jazz (35-11) sa Cleveland Cavaliers (17-30).

Sa New York, humataw si Jimmy Butler ng 27 points para tulungan ang Miami Heat (23-24) na tapusin ang kanilang six-game losing skid mula sa 98-88 panalo sa New York Knicks (24-23).

Sa Boston, umiskor si Zion Williamson ng 28 points para banderahan ang 115-109 paggiba ng New Orleans Pelicans (21-25) sa Celtics (23-24).

Sa Washington, kumolekta si Russell Westbrook ng 35 points, season-high 21 assists at 14 rebounds para sa kanyang NBA-leading 16th triple-double sa 132-124 tagumpay ng Wizards (17-28) sa Indiana Pacers (21-24).

Sa Oklahoma City, nagtala si Luka Doncic ng 25 points para akayin ang Dallas Mavericks (24-21) sa 127-106 pagdaig sa Thunder (19-27).

 

JAMES HARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with