^

PM Sports

Aldridge sa Brooklyn Drummond sa Lakers

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Bago ang trade deadline, nagpatibay ng kanilang lineup ang Brooklyn, Miami at Denver at hindi nagpaiwan ang LA Lakers sa pagkuha sa serbisyo ni two-time All-Star center Andre Drummond.

Idinagdag ng Brooklyn si LaMarcus Aldridge sa kanilang star-studded roster, hinugot ng Miami si Victor Oladipo at kinuha naman ng Denver sina Aaron Gordon at JaVale McGee.

Hindi natulog sa pansitan ang LA Lakers at kanilang na-recruit si Drummond na inaasahang malaki ang maitutulong lalo na’t kasalukuyan pa rin nagpapagaling ng injuries sina LeBron James at Anthony Davis.

Kung lahat ng star players eh makabalik laro sa tamang panahon, malaki ang probabilidad ng Lakers-Nets finals.

Bahagyang abante pa rin sa Eastern Conference ang Philadelphia Sixers, pero mabigat ang dating ng Brooklyn, lalo na kung samasama nang lumaro sina Kevin Durant, James Harden, Kyrie Irving, Blake Griffin at Aldridge.

Sa Western Conference, favorite pa rin ang LA Lakers (29-17) kahit abante sa kasalukuyan ang Utah (34-11), Phoenix (31-14) at LA Clippers (31-16). Ang kuwestiyon lang eh mula sa pagpapagaling ng injury, manumbalik kaya ang kisig nina James at Davis sa tamang oras.

Sa kasalukuyan, pinakaswabe ang takbo ng Utah Jazz sa pamumuno nina Donovan Mitchell, Rudy Gobert at Fil-Am hotshot Jordan Clarkson. Ang kanilang asam eh maiwasan ang pagtiklop sa playoffs na naranasan last season.

 

 

vuukle comment

LAMARCUS ALDRIDGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with