^

Kanselado na rin ang tune-up games ng Gilas Pilipinas

Chris Co (Pang-masa) - March 29, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na matutuloy ang planong tune-up games ng Gilas Pilipinas kontra sa New Zealand at Australia bilang paghahanda sana sa dalawang malalaking FIBA tournaments na lalahukan nito.

Kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin na kanselado na ang plano dahil sa matinding travel restrictions na umiiral sa iba’t ibang bansa.

Matapos ang training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna, target sana ng SBP na dalhin ang Gilas Pilipinas sa New Zealand at Australia bago sumabak sa FIBA Asia Cup Qualifiers (ACQ) at FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Hunyo.

“We had planned to go down to Australia and New Zealand to get games there before the June window. (But) Australia closed its borders,” ani Baldwin.

Gusto ni Baldwin na maisalang ang Gilas Pilipinas sa aktuwal na bakbakan laban sa malalakas na koponan upang mas lalo pang mahasa ang mga ito bago sumalang sa dalawang FIBA tournaments.

Hindi biro ang haharaping laban ng Gilas Pilipinas kung saan makakaharap nito ang South Korea sa ACQ at ang matitikas na tropa ng Serbia at Dominican Republic sa OQT — mga koponang matagal nang magkakasama sa team.

“One of my conditions is that we need to play real teams. We don’t want to play composite all-star teams that were prepared together at the last minute,” paliwanag ni Baldwin.

Bukas ang borders ng Amerika sa mga fo-reigners ngunit ayaw ni Baldwin na magtungo sa doon nang walang kongkretong plano kung sino ang mga makakalaban na teams doon.

“You can get in the States but who are you going to play in the States?” ani Baldwin.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with