^

Pinakabatang Gilas team

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maituturing na pinaka-batang grupo ng Gilas Pilipinas ang isasalang ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa mga nakalinyang major international tournaments ngayong taon bilang paghahanda na rin sa mga tagapagmana ng susi ng national team program sa hinahanap.

“Not only is this the youngest Gilas Pilipinas group ever assembled, it’s probably the youngest that could be assembled that’ll still be called Gilas,” ani SBP program director Tab Baldwin sa ‘The Game’ ng ONE PH sa pinalaking training pool dagdag ang mga Batang Gilas graduates.

Dahil hindi muna kukuha ng PBA players ngayon ang Gilas, idinagdag  ang mga high school at collegiate standouts na sina Carl Tamayo, RJ Abarrientos, LeBron Lopez, Gian Mamuyac, Jason Credo, Josh Lazaro, Geo Chiu at SJ Belangel sa idinaraos na training bubble sa Calamba, Laguna.

Makakasama ng mga bagito na pawang naglaro na sa Philippine youth team ang main national team core nina Isaac Go, Rey Suerte, Matt at Mike Nieto, Allyn Bulanadi, Jordan Heading, Will Navarro, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab na ipinahiram muna ng PBA sa Gilas sa pamamagitan ng special Gilas draft sa dalawang sunod na taon.

Swak din sa pool sina cadets Dave Ildefonso, Juan Gomez De Liano, Justine Baltazar, Dwight Ramos at Ange Kouame, na malapit nang matapos ang naturalization process sa Kongreso at Senado.

Ayon kay Baldwin, maaatasan sila sa dalawang misyon una na ang pagsabak sa huling window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga at FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Serbia sa Hunyo.

Kasabay noon ay hahasain sila para sa mga susunod na malalaking torneo simula sa 2023 FIBA World Cup na iho-host ng Pinas kasama and Japan at Indonesia.

“Obviously we’re looking for a Gilas team to play in the June competitions, but we’re also preparing for those situa-tions in the future when we call players into the Gilas camp,” dagdag ni Baldwin.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with