^

11-bagito sa Gilas training

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang training camp ng Gilas Pilipinas para sa dalawang bigating torneo sa mga susunod na buwan nang pumasok ang unang batch sa bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Sa pangunguna ni program director Tab Baldwin, lumarga na sa training bubble ang Gilas dagdag ang 11 na bagong trainees na binabanderahan nina high school aces Carl Tamayo, RJ Abarrientos at Lebron Lopez para sa pinalawak na training pool.

Kasama rin sina Ateneo standouts SJ Belangel, Forthsky Padrigao, Gian Mamuyac, Josh Lazaro, Geo Chiu at Jason Credo na pareho-parehong naglaro sa Batang Gilas Pilipinas.

Sasamahan nila ang mga Gilas cadets na nagha-handa para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia at pagpapatuloy ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Hunyo sa Clark, Pampanga.

Ka-grupo ng Nationals sa OQT ang host na Serbia at Dominican Republic sa Pool A para sa tsansang makapasok sa Tokyo Olympics sa Hulyo. Nasa Group A rin ng Asia Cup Qualifiers ang Gilas kasama ang South Korea, Thailand at Indonesia para sa tsansang makaabante sa FIBA Asia Cup sa Agosto.

Nasa bubble na rin sina Dwight Ramos, Dave Ildefonso at Ange Kouame, na lumusot na sa ikatlong pagbasa sa Senado ang naturalization bill kamakalawa lamang.

Umaasa ang SBP na saktong magiging ganap na batas ang naturalization ni Kouame para sa mga sasalihang krusyal na torneo. Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan upang maisakatuparan ito.

Nakapasok na rin sa bubble si Tzaddy Rangel (NLEX) na bahagi ng Gilas Pilipinas special draft mula sa 2021 PBA Rookie Draft noong linggo.

Inaasahan ang pagsunod ng kapwa niya Gilas draftees na sina Jordan Heading (Terrafirma), Will Navarro (Northport) at Jaydee Tungcab (TNT) gayundin ang mga naunang Gilas draftees na sina Rey Suerte, Isaac Go Matt at Mike Nieto. Hindi muna makakasama sa ensayo ang isa pang kadete na si Allyn Bulanadi na nagpapagaling pa ng shoulder injury.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with