^
Lakers nilunod ang Warriors

Lakers nilunod ang Warriors

(Pang-masa) - March 17, 2021 - 12:00am

SAN FRANCISCO — Tumapos si LeBron James na may triple-double sa kanyang 22 points, 11 assists at 10 rebounds para igiya ang nagdedepensang Los Angeles Lakers sa 128-97 panalo sa Golden State Warriors.

Nagtala si Montrezl Harrell ng 27 points para sa panalo ng Lakers (26-13) sa kanilang season series ng Warriors (20-20).

Pinamunuan ni Stephen Curry ang Golden State sa kanyang 27 points.

Sa New York, kumamada si Kyrie Irving ng 34 points at itinala ni James Harden ang kanyang ika-10 triple-double sa season sa paggiya sa Brooklyn Nets (27-13) sa 117-112 panalo sa Knicks (20-20).

Sa Washington, kumolekta si Giannis Anteto-kounmpo ng 31 points, 15 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikatlong sunod na triple-double sa paghatid sa Milwaukee Bucks (25-14) sa 133-122 paggupo sa Wizards (14-24).

Sa Dallas, humataw si Kawhi Leonard ng 22 points para tulungan ang Los Angeles Clippers (26-15) sa 109-99 pagdaig sa Mavericks (20-18).

Sa Denver, ipinoste nig Nikola Jokic ang 32 points at 14 boards para sa kanyang ika-35 double-double sa 121-106 pagwawagi ng Nuggets (23-16) sa Indiana Pacers (17-21).

LOS ANGELES LAKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with