^

PM Sports

All Stars sa gitna ng pandemya

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kahit alanganin ang lahat, nag-uniporme at nag-laro rin lahat sa 70th NBA All-Star Game.

Tagumpay ang Team LeBron samantalang lumutang na All-Star Game MVP si Giannis Anteko­kounmpo, three-point king si Steph Curry at slam-dunk winner si Anfernee Simons.

Kahit marami ang nag-alburoto dahil hindi raw napapanahong ilaro ang All-Star game, sila eh nag-laro at naisakatuparan ang midseason extravaganza na inihatid ng NBA upang tugunan ang commitment sa mga sponsors. Walang crowd sa Atlanta downtown arena pero marami ang napasayang worldwide fans na nakatutok sa TV.

Malamang na kasama sa usapan ang parehong isyu – All-Star Extravaganza – sa kasalukuyang isinasagawang PBA planning session.

Bago ang matagal na PBA hiatus dahil sa pandemic, balak din noon ng liga na ituloy ang Season 45 All-Star Game na nakatakda sana sa Passi, Iloilo.

Ang kadahilanan din ay ang commitment sa sponsors at host city pero tuluyang nakansela dahil sa extended lockdown.

Matapos makabalik sa pamamagitan ng Clark bubble tourney at matapos masaksihan ang NBA All-Star sa Atlanta, malamang na ilatag din ang PBA All-Star return. Kung sinuportahan ang NBA All Stars, malamang na susuportahan din at tatangkilin ang PBA All Stars.

Ang importante eh mailatag ang health measures upang masiguro ang safety ng lahat ng concerned individuals.

 

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with