^

PM Sports

Saso PSA Athlete of the Year

Pang-masa

MANILA, Philippines — Naging inspirasyon ng Philippine sports si golfer Yuka Saso sa gitna ng pandemya.

Humataw ang 19-anyos na si Saso ng dalawang tropeo sa Japan LPGA at pumuwesto sa 13th place sa US Open sa pagsalang niya sa isang major LPGA championship sa kanyang rookie season.

Sapat na ito para sumigla ang Philippine sports na pinahirapan ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic kaya naman hinirang si Saso bilang 2020 Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa traditional Awards Night  na gagawing virtual ngayon sa Marso 27 sa TV5 Media Center.

Matapos angkinin ang dalawang gold medal noong 2018 Asian Games ay umakyat sa professional level si Saso.

Pamumunuan ng tubong San Ildefonso, Bulacan ang listahan ng mga awardees na pararangalan ng pinakamatandang media organization sa pangunguna ng pangulo nitong si Manila Bulletin sports editor Tito S. Talao sa virtual event na inihahandog ng San Miguel Corporation at Philippine Sports Commission (PSC).

Muling kokoberan ng long-time partner Cignal TV ang awards presentation na suportado rin ng 1-Pacman Partylist at Rain or Shine.

Ito ang ikalawang Athlete of the Year honor ni Saso sa nakalipas na tatlong taon at kauna-unahan bilang individual awardee.

Noong 2018 edition ng annual event ay nakasama ni Saso sina golfers Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go at weightlifer Hidilyn Diaz sa entablado bilang co-Athletes of the Year.

Nang maging pro golfer ay inangkin ni Saso ang mga korona ng Japan LPGA na NEC Karuizawa Championship at Nitori Ladies Golf Tournament.

Bago tumiklop ang 2020 ay tumapos siya na No. 13 sa women’s US Open na pinagwagian ni South Korean Kim A-Lim. Sa papasok ng 2021 ay pumuwesto si Saso sa No. 45 sa buong mundo at nakapagbulsa ng halos P50 milyon sa kanyang rookie season.

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with