^

Slaughter-Standhardinger trade

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Higanteng trade ang muling yumanig sa PBA matapos itulak ng Northport si Christian Standhardinger sa Barangay Ginebra kapalit ni Greg Slaughter kahapon.

Aprubado na ng liga ang one-on-one blockbus­ter trade sa pagitan ng mga dating No. 1 overall picks na magbibigay ng bagong sentro sa parehong Batang Pier at Gin Kings simula sa Season 46 sa Abril.

Numero unong draftee si Standhardinger noong 2017 habang si Slaughter naman ang first overall pick ng Ginebra noong 2013. Pareho rin silang Best Player of the Confe­rence awardee nang magwagi si Slaughter noong 2017 at si Standhardinger noong 2019.

Dadagdag si Standhardinger, magiging bagong twin tower tandem ni Japeth Aguilar, sa solidong Ginebra squad na galing lang sa makasaysa-yang kampeonato sa 2020 Philippine Cup sa Clark bubble sa Pampanga.

Sa parehong torneo ay naglista siya ng 19.9 puntos at 12.0 rebounds para sa Batang Pier na maagang nag-exit sa Clark bubble bunga ng 1-10 kartada.

Ang Ginebra ang magiging ikatlong koponan ni Standhardinger matapos ang dalawang confe­rence lang sa Northport nang ma-trade mula sa San Miguel kapalit ni Mo Tautuaa noong 2019.

Sa Batang Pier naman ipagpapatuloy ni Slaughter ang pagbabalik sa PBA matapos ang isang taong pahinga kaya hindi ito kasama sa bubble campaign ng Ginebra.

Kakapirma lang ni Slaughter sa Gin Kings  noong Pebrero matapos huling sumalang sa koponan noong 2019 Go-vernors’ Cup kung saan siya nagrehistro ng 9.8 puntos, 6.4 rebounds, 1.0 assists at 1.0 tapal.

Nagwagi siya ng apat na titulo sa Gin Kings bilang isa sa major core ng team kasama sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Joe Devance, Stanley Pringle at Aguilar.

Sa kabilang banda, sasamahan ni Slaughter sa Northport sina Sean Anthony at Robert Bolick gayundin ang kanilang No. 2 overall pick sa 2021 PBA Rookie Draft sa Marso 14.

Samantala, lumakas din ang TNT Tropang Giga sa pagbabalik ni 2008 MVP Kelly Williams mula sa maikling retirement noong nakaraang taon bago ang bubble.

CHRISTIAN STANDHARDINGER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with