^

Paras, Ahanmisi nakahabol sa PBA Draft; Brickman, Gray, Ganuelas-Rosser, Statham laglag

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot sina Andre Paras at Jerrick Ahanmisi sa deadline ng pagpasa ng mga requirements kahapon para sa Fil-Fo­reigner applicants upang pormal na makapasok sa 2021 PBA Rookie Draft sa Marso 14.

Sa Lunes pa inaasahang ilabas ng PBA ang opisyal na listahan suba-lit ayon sa mga ulat ay swak na ang dalawang prospects sa bigating draft class matapos makumpleto ang mga papeles.

Samantala, hindi naman nakahabol ang iba pang blue-chip applicants na sina Jason Brickman, Jeremiah Gray, Brandon Ganuelas-Rosser, Taylor Statham at Tyrus Hill sa pagsumite ng kailangang dokumento upang ma-ging eligible sa itinuturing na pinakabigating draft class sa kasaysayan.

Ilan sa mahahalagang dokumentong kailangan ng mga Fil-Foreign applicants ay ang Department of Justice affirmation at Bureau of Immigration recognition na nahirapang makuha ng ibang aplikante dahil sa travel restrictions ngayong pandemya.

Kabuuang 31 na Fil-foreign hopefuls mula sa 97 na rookies ang inisyal na sumali sa draft na inaasahang matatapyasan sa paglabas ng PBA ng final na listahan dahil sa mga natanggal na aplikante.

Nauna nang nakapagpasa ng kanilang mga papeles sina special Gilas draftees Jordan Heading at Will Navarro gayundin sina Mikey Williams, Franky Johnson, Troy Rike at James Laput.

Swak din sina Joshua Munzon at Jaime Malonzo, na inaasahang babandera sa pambatong draft class.

Makakasama nila sa potential early picks ang mga homegrown talents na sina Alvin Pasaol, Calvin Oftana, Larry Muyang, Ben Adamos, Aljun Melecio at Andrei Caracut.

Terrafirma, Northport at NLEX ang may hawak ng top three picks sa parehong special at regular draft ng PBA sa unang pagkakataon ay gaganapin online bunsod ng pandemya.

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with